Sunday, February 27, 2011

Love Quote for Valentines

Halikan mo ako
nang ubod ng tamis
Nang ang mga langgam
Matunaw sa inggit

Yakapin mo ako
Na ubod ng higpit
Bumagyong malakas
Sa yakap mamilipit

Iduyan mo ako
Sa iyong kandungan
Pintig ng ‘yong puso
Awit ni Paraluman

Isayaw mo ako
Na parang ‘sang trumpo
Umikot magdamag
Hanggang sa mahilo

Awitan mo ako
Na parang ‘sang pipit
Pukawan ang diwa
Pawiin ang sakit